Inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Russia na pinaglalaruan ang buhay ng Ukrainian prisoners na kabilang sa sakay ng Russian cargo plane nang mangyari ang deadly plane crash sa western Russia na ikinasawi ng 74 na katao.
Una ng inakusahan ng Russia ang Ukraine na pinabagsak umano nito ang Ilyushin-76 cargo plane na ginagamit ng Kremlin mula pa noong 1975 kung saan walang survivor sa mga lulan nito kabilang ang 65 Ukrainian prisoners ng giyera, 6 na Russian crew at 3 escorts na ibiniyahe para sana sa prisoner swap nang mangyari ang insidente.
Kaugnay nito, idinemand ni Pres. Zelensky na maglunsad ng international inquiry sa naturang trahediya.
Una naman ng kinondena ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov ang pagpapabagsak sa naturang Russian plane at tinawag na isang gawain ng halimaw.