-- Advertisements --

Nangangamba ngayon ang pangulo ng Ukraine na lulusubin ng mga sundalo ng Russia ang kabisera ng Kyiv ngayong gabi.

Ito ay kasunod ng mga pagsabog na gumimbal sa Kyiv ang napaulat nitong umaga ngayong araw habang kumikilos papalapit ang Russian forces sa naturang lungsod.

Ayon sa Ukrainian State Special Service, nagpapatuloy ang sagupaan ng magkabilang panig malapit sa CHP-6 power station ng Troieschyna district.

Ilang mga sasakyan naman ang nawasak at nasunog na namataan sa Peremohy Anenue ng Kyiv.

Sinasabi naman ng Ukrainian forces na matagumpay nilang naitaboy ng mga Rusong sundalo sa Black sea city ng Mykolaiv.

Samantala, nakikipag-areglo na si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa posibleng ceasefire sa Russia sa kabila ng banta na pagkubkob nito sa kabisera ng Kyiv nitong gabi ng Sabado.

Ayon kay Presidential spokesman Sergii Nykyforov, nakikipag-usap na ang pangulo ng Ukraine sa Russian government para sa posibleng negosasyon sa gitna ng tensiyon sa kanilang bansa.

Tinatalakay na ng magkabilang panig ang lugar at oras para sa negotiation process.