Nilagdaan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang isang batas para sa pwersahang pagkumpiska ng mga pagmamay-ari ng Russian Federation at ng mga residente nito sa Ukraine.
Kinumpirma ng Ukrainian parliament na pinirmahan ni Zelensky ang batas na “On the Basic Principles of Forcible Seizure of Objects of Property Rights of the Russian Federation and its Residents in Ukraine”.
Nakasaad sa naturang batas ang legal na batayan para sa sapilitang pagsamsam ng mga property rights maging ang ari-arian ng military ng Russian Federation kung kinakailangan na isang estado na nagpasimula ng full-scale war laban sa Ukraine at sa mamamayan nito.
Alinsunod sa naturang batas, walang ibibigay na compensation o reimbursement ang gobyerno ng Ukraine sa pwersahang pagkumpiska ng mga kagamitan ng Russian federation sa kanilang bansa.
Nauna ng naipasa sa Verkhovna Rada, ang unicameral parliament ng Ukraine ang naturang batas para sa nationalization ng Russian property sa Ukraine.
Maaalala noong Pebrero 24, nagdeklara ng military operation si Russian President Vladimir Putin sa eastern ukraine na naghudyat ng pag-atake ng Russia at pagsira sa mga pangunahing imprastruktura ng bansa, malawakang pinsala sa mga residential areas sa mga bayan at kabisera ng Ukraine.