Personal na umapela si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Canada upang humingi pa ng karagdagang tulong dito sa gitna ng pakikipagbaka ng bansa laban sa pananalakay ng Russia.
Sinabi niya ito sa kanyang address sa Parliament ng Canada sa pamamagitan ng isang video link, kung saan ay nakatanggap siya standing ovation mula sa kanyang mga tagapakinig.
Dito ibinahagi ni Zelensky ang pagdurusang nararanasan ng kanyang mga nasasakupan at sinabing 97 na mga bata ang kalunus-lunos na binawian ng buhay sa loob lamang ng 20 araw mula nang magsimula ang naturang digmaan.
Sa kanyang talumpati ay tinanong ng Ukrainian President kung ano ang marramdaman ng mga Canadian kung ang Vancouver o ang CN Tower ng Toronto ang kinubkob o target-in ng Russia.
Kasabay ng kanyang muling panawagan para sa no-fly-zone sa Ukraine upang maiwasan ang mga airstrike ng Russia na kumikitil sa mga buhay ng mga maraming sibilyan.
Ang pahayag na ito ni Zelenskyy ay matapos na maglabas ng panibagong direktiba ang Canada na nagpapataw ng panibagong round ng mga parusa laban sa Russia.
Kaugnay niyan ay inanunsyo ni Canadian Foreign Affairs Minister Melanie Joly ang mga bagong restriksyon sa 15 Russian officials na sinasabing sumuporta sa desisyon ni Russian President Vladimir Putin na salakayin ang Ukraine.