-- Advertisements --

Ligtas at wala umanong natamong seryosong injury ang pangulo ng Ukraine matapos masangkot sa isang car accident.

Ayon kay Kyiv spokesman Sergiy Nikiforov, nabangga ng isang passenger car ang presidential car lulan si President Volodomyr Zelensky at motorcade nito sa Kyiv.

Agaran namang sinuri at nilapatan ng paunang lunas ang pangulo at ang driver ng passenger car ng medics na kasama ng convoy ni Zelensky

Sa nightly televised address ni Zelensky matapos ang aksidente, iniulat nito na nakabalik na ito ng ligtas mula sa kaniyang pagbisita mula sa isang lugar sa Kharkiv kung saan de-occupied na aniya o nabawi na mula sa Russian invaders ang halos buong rehiyon.