Nakatakdang humarap sa Group of Seven (G7) summit na gaganapin sa Germany si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ngayong araw sa pamamagitan ng isang video-link.
Inaasahang magiging sentro ng speech nito sa mga lider ng G7 o ang top industrialized nations sa buong mundo ang kaniyang apela para sa karagdagng heavy weapons at air defense para sa pagdepensa ng kanilang bansa sa gitna ng pinaigting na pag-atake sa eastern Donbas region ng Ukraine habang humaharap naman ang Kabisera ng Kyiv ng panibagong missile attacks.
Samantala, pinuri naman ni UK Prime Minister Boris Johnson ang consistency ng G7 sa pagsuporta sa Ukraine at sinabing dapat na ipagpatuloy ng G7 ang pagtulong sa Ukrainians para muling makabanagon at maprotektahan ang mga ito.
Una rito, bago ang nakatakdang pagharap ni Zelensky sa G7 summit, ilang air raid alerts ang inactivate sa Ukraine sa Kyiv at sa ilang bahagi ng Nortehrn at Western parts ng naturang bansa.