-- Advertisements --

Napili bilang Person of the Year ng Time Magazine si Ukraine President Volodymyr Zelenskiy.

Naging matunog kasi ang pangulo ng Ukraine matapos ang patuloy na pakikipaglaban nito sa dahil sa pagsakop ng Russia.

Ayon sa Time magazine na naging matagumpay ang pangulo ng Ukraine sa panahon ng giyera.

Mula sa unang araw ng pagsakop ng Ukraine ay hindi niya pinabayaan ang kaniyang mamamayan na sakupin ang kanilang bansa.

Kabilang sa mga nakasama sa taunang listahan ay si Gregory Robinson at James Webb Telescope bilang Innovator of the Year; Blackpink bilang Entertainer of the Year; Aaron Judge bilang Athlete of the Year; Michelle Yeoh bilang Icon of the Year at Women of Iran bilang Heroes of the Year.