-- Advertisements --

Tinanggap ng Ukraine ang proposal ng US para sa 30-araw na inisyal na ceasefire sa Russia.

Ito ang naging resulta ng ginawang pulong ng mga opisyal ng Ukraine at US na ginanap sa Saudi Arabia.

Sinabi ni US Secretary of State Marco Rubio, na ang bola ngayon ay nasa kamay na ng Russia.

Gaya ng ginawa nito ay magsasagawa ito ng pagpupulong sa mga kinatawan ng Russia.

Dahil sa pagpayag ng Ukraine ay kanilang ibabalik ang intelligence sharing at ang security assistance.