Inakusahan ng Ukraine ang Russian forces sa pagpatay sa pitong sibilyan sa isang evacuation convoy na binubuo ng mga kababaihan at mga bata na nagnanais tumakas mula sa nagpapatuloy na pag-atake ng Russia.
Batay sa ulat ng Ukrainian intelligence service kabilang sa nasawi ay isang bata.
Hanggang sa ngayon wala pang komento ang Russia hinggil sa pagkasawi ng pitong sibilyan.
Una rito, mariing itinanggi ng Moscow na kabilang sa kanilang target ay mga sibilyan.
Pumapasok na sa ikatlong linggo ang ginagawang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Inihayag naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky, na muling nagpadala ng bagong tropa ang Moscow matapos matagumpay na napigilan ng Ukrainian forces ang nasa 31 Russia’s battalion tactical groups na mawala sa aksiyon.
Kinumpirma naman ni Zelensky aabot na sa 1,300 Ukrainian troops ang nasawi kaya hiling nito sa ilang mga Western countries na tumulong sa peace negotiations.
“If they decide to carpet bomb (Kyiv), and simply erase the history of this region … and destroy all of us, then they will enter Kyiv. If that’s their goal, let them come in, but they will have to live on this land by themselves,” pahayag pa ni Zelensky.
Ayon sa U.S. State Department spokesperson kung mayroong diplomatic steps na maari nilang gawin na sa tingin ng Ukrainian government ay makakatulong nakahanda naman sila gawin ito.
“If there are diplomatic steps that we can take that the Ukrainian government believes would be helpful, we’re prepared to take them.”
Ayon naman kay Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba, walang balak ang Kyiv na sumuko sa Russia o tumanggap ng anumang ultimatums.
Sa panig naman ni European Commission President Ursula von der Leyen, kaniyang sinabi na sususpendihin ng EU ang “Moscow’s privileged trade and economic treatment, crack down” sa paggamit ng crypto-assets, at ang pag-ban ng import ng iron and steel goods mula Russia, at maging ang export of luxury goods sa iba pang lugar.