Muling inakusahan ng gobyerno ng Ukraine ang Russia ng pambobomba sa isang paaralan na Mariupol City kung saan sinasabing mayroong 400 katao kabilang na ang mga kababaihan at kabataan na sumilong doon.
Sa isang statement, sinabi ng city council na naghulog ng bomba ang Russian troopers sa isang art school sa lungsod.
Dito kinumpirma din ng mga awtoridad na bukod dito ay sapilitin din daw na dinadala sa Russia ang iang mga residente ng Mariupol kung saan ay inaalisan ito ng kanilang Ukrainian passport at binibigyan ng isang piraso ng papel na walang legal na halaga at hindi kinikilala ng buong sibilisadong mundo.
Ayon kay Donetsik regional administration head na higit isang libong Mariupol residents na ang ipina-deport ng Russia patungo sa mga filtration camps at kinukuha daw ang mga Ukrainian documents ng mga ito.
Dahilan ng kanyang pag-apela ngayon sa international community na dagdagan pa ang pressure na ipinataw sa Russia at sa leader nito.