-- Advertisements --
image 199

Nakita ng Ukraine ang kaunting pag-asa na mahila ang higit pang mga nakaligtas mula sa pagguho ng isang apartment block sa lungsod ng Dnipro pagkatapos matamaan ang gusali sa isang malaking pag-atake ng missile ng Russia, na may dose-dosenang mga tao ang inaasahang nasawi.

Ang tagapayo ng regional governor na si Natalia Babachenko, ay nagsabi na 30 katao ang kumpirmadong patay at higit sa 30 din ang nasa ospital, kabilang ang 12 na nasa malubhang kondisyon at kalagayan.

Sinabi ng mga emergency worker na narinig nila ang mga tao na sumisigaw para humingi ng tulong mula sa ilalim ng mga tambak na mga bato ng mga labi mula sa siyam na palapag na apartment block sa silangan-gitnang lungsod.

Una rito, natagpuan ng isang grupo ng mga bumbero ang isang babae na buhay pa mahigit 18 oras pagkatapos ng nasabing pag-atake at sa ngayon patuloy pa din ang isinasagawang pagbeberepika kung nakuha na ang lahat ng mga katawan na nadamay sa naturang pagpapasabog sa gusali sa Dnipro Ukraine.