-- Advertisements --

Nagpatuloy ngayong araw ang diplomatic efforts para mawaksan ang giyera sa Ukraine.

Nakatakdang magsagawa ngayon ang mga negotiators ng pag-uusap sa pagitan ng Ukraine at Russia sa kabila ng patuloy na pag-atake ng Russia.

Sa isang video online, sinabi ni Ukrainian negotiator Mykhailo Podolyak nagiging bukas na sa pakikipagdayalogo ang Russia at naniniwalang magkakaroon na ng resulta ang diplomatic talks sa mga susunod na araw.

Ayon naman kay Russian delegate Leonid Slutsky na nagkaroon na aniya ng significant progress at posible na makabuo ang delegasyon ng magkabilang panig ng isang draft agreements.

Inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nag-uusap ang mga delegasyon ng dalawang bansa araw-raw sa pamamagitan ng video link at ginagawa lahat ng paraan ng kaniyang negotiators para sa pinakaaantay ng lahat na pakikipag-usap niya kay Russian President Vladimir Putin.