-- Advertisements --

Umaasa pa rin si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na susuportahan sila ng US sa pagtatapos na ng giyera sa pagitan nila ng Russia.

Sinabi ng Ukrainian President na kinakailagan agad ang pagsulong ng kapayapaan kaya sila ay nakikipag-ugnayan sa kanilang European partners.

Kasalukuyang nagaganap aniya ang pag-uusap at ilang mga hakbang para matapos na ang giyera.

Giit nito na mahalaga na magkaroon ng diplomasya para sa agarang pagtatapos na ng giyera.

Una ng inakusahan ni US President Donald Trump si Zelensky na umaayaw sa pag-uusap para magkaroon na ng katapusan ang giyera nila ng Russia.