-- Advertisements --

Hind natatapos ang ginagawang counteroffensive ng Ukraine laban sa Russia.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na gaya ng ginawa noong nakaraang taon ng kanilang mabasag ang depensa ng Russia sa mga sinakop nilang south at eastern Ukraine.

Hindi naman na nito binanggit ang ibang mga detalye ng kanilang mga counteroffensive.

Dagdag pa nito na konektado ito sa ginawang pagbalasa niya ng kanilang military officials para tuluyang talunin ang Russia.

Giit nito na wala na silang paraan na ginagawa ngayon kung hindi labanan ang Russia.

Nasa halos 31,000 na mga sundalo na rin ng Ukraine ang nasawi sa dalawang taon na paglusob ng Russia sa kanilang teritoryo.

Bukod pa sa sundalo ay hindi bababa sa 10,000 na mga sibilyan ang nasawi dahil sa patuloy na pag-atake ng Russia.

Patuloy pa rin ang panawagan nito sa US na aprubahan na ang kongreso ang military aide sa kanila.