-- Advertisements --

Tiniyak ng Ukraine na hindi sila aatras sa ginawang paglusob ng Russia halos dalawang taon na ang nakakalipas.

Ito ang naging pahayag ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba sa pagpupulong ng mga miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Dagdag pa nito na ang isyu aniya ay hindi lamang ang seguridad ng Ukraine at sa halip ay ang seguridad ng buong Euro-Atlantic space.

Muli itong nanawagan sa NATO na dapat ay ipagpatuloy ang kanilang pagsuporta sa Ukraine para tuluyang matalo ang ginagawang pagsakop ng Russia.

Mula kasi ng lusubin ng Russia ang Ukraine ay nakapagbigay na ang US ng mahigit na $40 bilyon na tulong at ang $61 bilyon na dagdag na tulong ay hindi inaprubahan ng kongreso ng US.