Nalagpasan na ng bagong undisputed heavyweight champion Oleksandr Usyk si Japanese superstar Naoya Inoue sa pound-for-pound ranking ng The Ring.
Nasa pangalawang puwesto na si Inoue ngayon matapos na manguna noong nakaraang buwan ng talunin si Luis Nery.
Ang Ukrainian boxer ay nanguna matapos na talunin nito si Tyson Fury nitong linggo at makamit ang undisputed heavyweight championship.
Nasa pangatlong puwesto naman si Terrence Crawford na sinundan ni Mexican superstar Saul “Canelo” Alvarez habang nasa pang-limang puwesto si unified light heavyweight champion Artur Beterbiev.
Nasa pang-anim na puwesto si Dmitry Bivol, pang-pito naman si Errol Spence Jr, pang-walo si Gervonta Davis, pang-siyam si Jesse Rodriguez at pang-10 puwesto si Junto Nakatani.