-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus ang first lady ng Ukraine na si Olena Zelenska.

Sinabi ng 42-anyos na nagnegatibo naman sa nasabing virus ang asawa nitong si President Volodymyr Zelensky at dalawang anak nila.

Dahil dito ay nag-isolate na ito ng kusa para hindi na makahawa pa.

Ikinababahala ngayon ng Ukraine ang pagtaas ng bilang ng nadadapuan ng virus.

Nais din ng kanilang pangulo na pag-aralang mabuti ng mga opisyal ang sanhi ng pagtaas ng nasabing kaso ng virus.

Aabot na kasi sa 29,753 ang kaso ng coronvirus sa bansa at 870 naman ang nasawi sa nasabing bansa.