-- Advertisements --
image 64

Hindi nakapagpigil ang Ukrainian Member of Parliament na suntukin ang miyembro ng Russian team sa Turkey Summit.

Ito ay matapos na hablutin ni Russian team member Valery Stavitsky ang bandila ng Ukraine mula kay Ukrainian MP Oleksandr Marikovski sa likuran ng isang miyembro ng Russian delegation na si Olga Timofeeva habang ito ay kinakapanayam sa event sa 61st Parliamentary Assembly of teh Black Sea Economic Community(PABSEC) sa Ankara capital ng Turkey.

Sa kumalat na video, makikita na agad na hinabol ng nanggagalit na Ukrainian official ang Russian official at sinuntok ito at inagaw ulit ang bandila ng kanilang bansa.

Una rito nitong Huwebes, inakusahan ng Russia ang Us na pagpaplano ng pagatake ng drone attack ng Ukraine sa Kremlin, bagay na itinanggi naman ng US.

Top