Bumagsak ang isang Ukrainian passenger plane malapit sa Tehran Imam Khomeini International Airport.
Tinatayang may sakay na 180 pasahero ang Boeing 737 model na eroplano na lahat umano ay binawian ng buhay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na nakaranas ng technical problem ang eroplano bago ito tuluyang bumagsak sa lupa.
Nagpadala na ng emergency crews sa lugar ng insidente ngunit hindi ito agad makakatulong sa imbestigasyon dahil patuloy ang nagaganap na sunog.
Ayon kay Pirhossein Koulivand, pinuno ng Emergency Medical Services sa Iran, nangyari ang insidente sa pagitan ng mga siyudad na Parand at Shahriar.
Lumabas ang balita matapos akusahan si Iranian President Hassan Rouhani ng diumano’y pananakot sa Amerika kung saan gagayahin daw nito ang 1988 bombing na pumatay sa 270 katao.