Pinaghihinalaang dumanas ng mga sintomas ng pagkalason ang Ukrainian peace negotiators at bilyonaryong si Roman Abramovich pagkatapos ng isang pulong sa Kyiv.
Si Abramovich, na tumanggap ng kahilingan ng Ukrainian na tumulong sa pakikipag-ayos sa pagwawakas sa pananalakay ng Russia sa Ukraine, at ang dalawang senior na miyembro ng koponan ng Ukrainian ay nakaranas ng mga sintomas ng pagkalason.
Kasama sa kanilang mga sintomas ang pamumula ng mata, patuloy at masakit na pagpunit o tearing, at pagbabalat ng balat sa kanilang mga mukha at kamay.
Sa kasalukuyan, bumuti na ang sitwasiyon ni Abramovich at ang mga negosyador ng Ukrainian, kabilang ang mambabatas ng Crimean Tatar na si Rustem Umerov.
Nauna ng sinabi ng Kremlin na si Abramovich ay gumanap ng maagang papel sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine ngunit ang proseso ay nasa kamay na ng mga koponan sa pakikipagnegosasyon ng dalawang panig.