Mariing itinanggi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nakakaramdam ito ng pressure dahil sa utos ni President Trump na imbestigahan ang kaniyang kalaban sa 2020 presidential election Joe Biden.
Inilunsad noong nakaraang linggo ng House Democrats ang impeachment inquiry laban kay Trump matapos nitong harangin ang bilyon-bilyong halaga ng military aide na sana ay ibibigay sa Ukraine.
Ayon kay Zelensky, hindi raw nito hahayaan na maimpluwensyahan siya ng ibang bansa na pinipilit daw itong turuan kung paano pamunuan ang kaniyang nasasakupan.
Iginiit din ni Zelensky na hindi ito personal na nakipagkita o nakipag-usap kay Rudy Giulani na tumatayong personal lawyer ng American president.
Isa si Giulani sa idinadawit ngayon ng US Congress kaugnay ng impeachmenbt probe.
Ito ay matapos nitong aminin na nakipag-usap ang abogado sa ilang Ukrainian officials upang alamin ang katotohanan sa likod ng di-umano’y pagpapatalsik noong 2016 ni Biden sa isang prosecutor general na nag-iimbestiga sa kaniyang anak na si Hunter Biden.