-- Advertisements --

Nasa Saudi Arabia si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy para isagawa ang pulong sa kinatawan ng US at Russia sa pagkakaroon ng usaping pangkapayapaan.

Bago ang nasabing pagpupulong ay nakasalamuha muna ni Zelensky sina Deputy Governor of Makkah Region Prince Saud bin Mishal bin Abdulaziz at Crown Prince Mohammed bin Salman.

Pangungunahan naman ni US Secretary of State Mark Rubio at US National Security Adviser Mike Waltz ang kinatawan ng US para sa nasabing usapin.

Una ng sinabi ni Rubio na mahalaga ang malinaw na intention ng Ukraine para tuluyang maabot ang usaping pangkapayapaan nila ng Russia.

Magugunitang nagkaroon ng hindi magandang resulta ang ginawang pagbisita ni Zelensky sa US ng makaalitan nito si US President Donald Trump na nagresulta sa pagkansela ng tulong militar at intelligence sharing nila sa Ukraine.