-- Advertisements --

Ibinunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na may grupo mula sa Ukraine at Russia ang nagpaplanong siya ay mapatalsik.

Sinabi nito na mayroon siyang nakuhang voice evidence sa balak na kudeta laban sa kaniya sa darating na Disyembre 1 o 2.

Mariing pinabulaanan naman ng Kremlin ang alegasyon ni Zelensky at wala aniya silang planong manghimasok sa nasabing bansa.

Nagbunsod ang nasabing usapin dahil sa patuloy na presensiya ng mga sundalo ng Russia sa border ng Ukraine.