-- Advertisements --

Personal na nagtungo si Ukranian President Volodymyr Zelensky sa border nila ng Russia kung saan nagaganap ang tensiyon.

Pinalibutan ito ng mga sundalo kung saan tinahak nila ang maputik na lugar at tinignan ang pinag-aagawang border nila ng Russia.

Bagamat delikado ang pagtungo sa Mariupol ay nakasuot naman ng pangulo ng bullet-proof vest para sa kaniyang kaligtasan.

Mula kasi noong 2014 ay ilang daang buhay na ang nawala sa labanan sa eastern Ukraine sa pagitan ng government forces at mga Russian-backed separatiest.

Binalaan na rin ng US ang Russia sa nagaganap na tensiyon sa lugar na sila ay gagalaw sakaling ipagpatuloy pa nila ang pagdami ng mga sundalo sa border.