-- Advertisements --
230520090121 03 zelensky hiroshima g7

Muling nagkaharap ng personal sina Ukrainian President Volodymyr Zelensky at Indian Prime Minister Narendra Modi sa sidelines ng Group of Seven (G7) summit sa bansang Japan noong Sabado.

Ito rin ang kauna-unahang paghaharap ng dalawang leaders simula ng salakayin ng Russia ang Ukraine.

Ayon kay Modi, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makatulong na wakasan ang digmaan.

Paliwanag pa ng opisyal, ang digmaan na nagaganap sa Ukraine ay isang isyu para sa buong mundo na kung saan marami ang nagiging epekto.

Hindi naman itinuturing ng Prime Minister ng India ang digmaan sa Ukraine bilang isang isyu ng ekonomiya at pulitika.

Aniya,ito ay malinaw na isang usapin ng humanity.

Inimbitahan naman ni Zelensky si Modi na makilahok sa pagsisikap ng ginagawa ng kanilang bansa upang makamit ang kapayapaan at tuluyang matapos ang digmaan laban sa Russia.