-- Advertisements --
Volodymyr Zelensky
President Volodymyr Zelensky/ IG post

Nakipagbunyi si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga mamamayan ng Kherson City matapos muling nabawi ang lugar mula sa mga Russian troops.

Ito ay matapos ang pag-withdraw ang tropa ng Russia sa lungsod.

Nauna nang sinabi ng Amerika na ang nasabing development ay isang “extraordinary victory”.

Ayon kay Foreign Minister Dmytro Kuleba na nagpapatuloy pa rin ang winning battles sa ground.

Magugunitang ang Kherson ang nag-iisang regional capital sa Moscow na unang sinakop ng Russia, siyam na buwan simula ang digmaan.

Ikinatuwa naman ng mga mamamayan sa Kherson ang development.