-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa US si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa susunod na linggo.

Ayon sa White House na makakapulong ng Ukrainian President sina President Joe Biden at Vice President Kamala Harris sa darating ng Setyembre 26.

Magkakaroon din ito ng tsansa na makapulong si dating US President Donald Trump bago ang nalalapit na halalan sa buwan ng Nobyembre.

Sinabi ni Zelenskyy na nais lamang niyang ibahagi ang kaniyang tinatawag ng “victory plan” sa mga lider ng US.

Una ng sinabi ng US na matibay pa rin ang kanilang suporta sa Ukraine sa ginagawang pag-atake ng Russia.