-- Advertisements --
Papalo na sa tatlong milyon ang bilang ng mga Ukrainian refugee na umalis sa kanilang bansa, sa loob ng tatlong linggong pakikipagdigma ng Ukrain dahil sa pagsalakay ng Russia.
Sa datos ng UN Refugee Agency (UNHCR), nasa 2.97 milyon na mga tao na ang nakakalikas mula sa Ukraine at sinasabing posible pang tumaas ang bilang na ito.
Mahigit kalahati o nasa 1.8 million sa mga ito ay kasalukuyang nasa Poland habang ang iba naman ay nasa mga bansang nasa hangganan din ng Ukraine tulad ng Slovakia, Hungary, Romania, at Moldova.
Dagdag ng UNHCR, nagsisimula nang lumipat patungong kanluran ang malakin bahagi ng mga refugee na may kabuuang 300,000 na bilang ng mga indibidwal na napunta naman sa Western Europe.