-- Advertisements --
Umani ng batikos ang hindi pakikipagkamay ni Ukrainian tennis star Marta Kostyuk matapos na talunin siya ni Aryna Sabalenka ng Belarus sa French Open.
Ang nasabing hakbang ay bilang protesta dahil sa isang mahigpit na kaalyado ng Russia ang Belarus.
Nakuha ni Sabalenka ang 6-3, 6-2 na panalo at na-sweep nito ang 10 sa huling 12 laro nito.
Una ng iprinotesta ng 20-anyos at ranked 39 na si Kostyuk ang mga torneo sa tennis dahil sa pagpayag na makapaglaro ang mga Russia tennis dahil sa ginawang paglusob ng mga ito sa Ukraine.
-- Advertisement --