-- Advertisements --

Patuloy na uulanin ang Northern Luzon kahit makalayo na sa Pilipinas ang bagyong Falcon.

Ayon kay Pagasa forecaster Aldczar Aurelio, humahatak din ng ulan ang low pressure area (LPA), habang lumakas naman ang hanging habagat.

Inaasahang sa Biyernes pa makakalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Falcon.

Huli itong namataan sa layong 265 km silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Nakataas ang tropical cyclone signal number two sa Batanes, habang signal number one sa Apayao, Cagayan, Ilocos Norte at Babuyan group of Islands.