-- Advertisements --
Asahan pa na mauulit ang mga pag-ulan at pagbahang naranasan kagabi sa malaking parte ng Luzon.
Ayon sa Pagasa, paiigtingin pa kasi ng low pressure area (LPA) ang ulan na nakakaapekto sa halos buong Pilipinas.
Huling namataan ang LPA sa layong 595 kilometro sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Kabilang sa mga maaaring ulanin ang Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Caraga, Davao region at Aurora.
Nitong umaga ay muling nag-isyu ang Pagasa ng thunderstorm alert sa Central Luzon, Southern Tagalog at National Capital Region.