-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng maghapon pang pag-ulan sa malaking bahagi ng Central Luzon, Pangasinan, Metro Manila at mga karatig na lugar dahil sa hanging habagat.

Ayon kay Pagasa forecaster Gener Quitlong, epekto ito ng paghatak ng bagyong nabuo sa West Philippine Sea at nag-landfall sa China.

Makapal at malawak ang aniya ulap na namataan sa Luzon kaya asahan ang posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Maliban dito, patuloy ding binabantayan ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Bicol region.

Huling natukoy ang sentro ng LPA sa layong 915 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Bagama’t malayo ito sa lupa at hindi inaasahang magla-landfall, umaabot naman ang extension nito sa Southern Luzon, Easternm Visayas at Caraga region.