-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente ng Northern Luzon sa tuloy-tuloy pang buhos ng ulan hanggang sa pagpasok ng susunod na linggo.
Ayon kay weather forecaster Ezra Bulquerin, dala umano ito ng umiiral na hanging amihan at cold front.
Kaya naman, ang mga lugar na binabaha ay kailangang maghanda at humanap ng malilipatan kung hindi na gaanong ligtas sa kanilang kinaroroonan.
Samantala inaasahang lalakas pa ang severe tropical storm Quiel na nasa West Philippine Sea.
Huli itong namataan sa layong 380 km sa kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kph at may pagbugsong 135 kph.
Sa ngayon, mabagal pa rin ang pag-usad nito habang patungo sa kanluran, timog kanlurang direksyon.