-- Advertisements --

Magkakaroon pa rin ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa habagat kahit humina na ito dahil sa paglayo ng mga bagyong humahatak dito.

Ayon sa ulat ng Pagasa, lantad pa rin sa buhos ng ulan ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales at Bataan.

Habang may thunderstorm namang maaaring maranasan sa Metro Manila at iba pang parte ng ating bansa sa dakong hapon at gabi.

Samantala, binabantayan pa rin ng Pagasa ang isa pang bagyong nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang typhoon Krosa sa layong 1,745 km sa silangan-hilagang silangan ng dulong hilagang Luzon.