Inamin ng Pagasa na hindi garantiya ang mabubuong bagyo sa silangan ng Luzon upang mapunan ang kakapusan ng tubig sa Luzon dams.
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, maaaring magdala ng ulan, baha at landslide sa ilang parte ng bansa ang namumuong sama ng panahon pero hindi ito sapat sa water shortage, lalo na sa Metro Manila.
Gayunman, tiyak umanong maraming lugar ang mapipinsala, lalo na ang nasa low lying areas.
Huling namataan ang sentro ng low pressure area (LPA) sa layong 610 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Kagabi ay binaha ang ilang lugar sa National Capital Region, pero lumalabas na mababa pa rin ang water level sa La Mesa dam na pangunahing pinagkukunan ng supply para sa mga industrial at household needs ng 11 million populasyon ng NCR.