-- Advertisements --

CEBU – Hindi makumpirma o maitatanggi kung totoo ang ulat na ang dalawang nangungunang lider ng New People’s Army (NPA) na sina Sanday Benito at Wilma Tiamzon, ay sangkot sa pagsabog ng isang de-motor na bangka.sa Catbalogan City bandang alas-4 ng umaga, kahapon ng Agosto 22, 2022.

Ito ang ibinunyag ni Capt. Ryan Layug, tagapagsalita ng 8TH Infrarantary Division bagamat wala silang nakitang bangkay.

Dagdag pa rito, tanging mga armadong lalaki lamang umano ang nakasakay sa bangkang de-motor.

Dagdag pa ng opisyal, nagulat sila kung saan nanggaling ang mga ulat sa social media na nasa bangka si G. Tiamzon.

Sa kadahilan, umaasa sila na kung buhay o patay ang pinag-uusapan nilang mag-asawa mas mabuting kumpirmahin ito sa mga kaliwang grupo.