-- Advertisements --
LAOAG CITY – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines – Northern Luzon Command (AFP-Nolcom) na agad nilang ipagbibigay alam sa publiko ang resulta ng imbestigasyon sa umano’y banta sa seguridad sa Hilagang Luzon.
Ayon kay Nolcom spokesperson Maj. Ericson Bolusan, maituturing na raw information ang kumalat na ulat kaya wala dapat ikabahala ang publiko sa posibleng panganib nito.
Sa ngayon wala patuloy umano ang pagkalap ng tanggapan ng impormasyon hinggil sa lumutang na balita.
Inaalam na rin daw nila kung saan galing ang siyam na dayuhan sa Candon, Ilocos Sur na galing Maynila.
Pinayuhan ni Bolusan ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na impormasyon kung hindi ito galing sa mga otorisadong ahensya ng gobyerno.