Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang ulat ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa mga iregularidad ng pulisya sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na isa itong hakbang tungo sa tamang direksyon.
Ikinatuwa rin ng komisyon ang sinabi ng kalihim na makikipagtulungan sa kanila ang DOJ task force na humahawak sa kaso.
“We appreciate that the Secretary of Justice declared that they will cooperate with us and committed to include us in the case build up and evidence gathering in order to bridge victims of human rights violations with government,” saad ng CHR.
“As the National Human Rights Institution of the Philippines, the CHRP plays an important role in moving the findings forward,” dagdag nito.
Una rito, sa naging talumpati ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council, tiniyak nito na mananagot ang mga pulis na sangkot sa mga drug operation ng pamahalaan na hindi sumunod sa mga protocol.
Naghihintay na rin daw ang mga kasong kriminal na kahaharapin ng mga pulis na hindi sumunod sa tamang protocol nang magsawa ang mga ito ng operasyon laban sa iligal na droga na ikinamatay ng libo-libong katao.
Dagdag ni Guevarra, makikipag-ugnayan na rin umano ang panel sa pamilya ng mga biktima para magsilbing mga complainants.