CENTRAL MINDANAO-Ilalahad ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang kanyang State of the Province Address (SOPA) sa March 14 nitong taon kasabay ng 32th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan (SP). Aasahang ilalahad ni Gov. Mendoza sa kanyang SOPA ang mga napagtagumpayan ng provincial government sa usapin ng kalusugan, edukasyon, imprastraktura, ekonomiya at higit sa lahat sa usapin ng peace and order sa probinsya, ibibida rin ng Gobernadora ang mga nagpapatuloy at pinaplanong mga proyekto at programa ng pamahalaang panlalawigan.
Matatandaan na umupo ulit bilang Gobernadora ang aktibo at masipag na ina ng Serbisyong Totoo, Governor Mendoza noong hulyo taong 2022. Nagkaroon din ng pagkakataon na masaksihan ang kanyang ulat sa unang isang daang araw na kanyang panunungkulan kung saan nalaman at nakita ang mga magagandang napagtagumpayang hakbang at programa para sa lalawigan ng Cotabato.
Ang State of the Province Address 2023 ni Governor Mendoza ay gaganapin bukas March 14,2023 sa Provincial Capitol Gymnasium Amas, Kidapawan City.
Mapapanood din ang SOPA 2023 ni Governor Mendoza sa gagawing Facebook Page Live ng Pamahalaang Panlalawigan at Maririnig sa mga piling himpilan ng mga Radio Station sa iba’t ibang munisipyo sa Probinsya ng Cotabato.