Nangangailan pa ng ilang linggo at karagdagang imbestigasyon pa para tuluyang matukoy ang pinagmulan ng COVID-19 na sinasabing nagsimula sa China.
Ayon kay World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang inilabas na pag-aaral ng mga grupo ng eksperto na nagtungo sa China ay hindi pa sapat para tukuyin ang tunay na pinagmulan ng virus.
Nahirapan aniya ang grupo para sa pag-aaral ng mga raw data kaya nararapat na maglaan pa ng karagdagang panahon para ito ay masusing pag-aralan.
Binigyang linaw din ni WHO investigation team leader Peter Ben Embarek, na walang ebidensiya na nagmula sa laboratory leak sa China ang nasabing virus.
Malaki ang paniniwala din nila na ang nasabing virus ay nasa Wuhan, China na mula pa noong Oktubre o Nobyembre 2019.
Samantala, hindi naman kuntento ang US at 13 bansa sa inilabas na pag-aaral ng WHO tungkol sa nasabing usapin.
Sinabi nila na kulang ang mga impormasyon at kailangan pa ilang internatioanl experts para sa karagdagang pag-aaral.