-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Blangko pa rin hanggang sa ngayon ang pamilya Paniamogan kung sino ang kumain sa ulo ng kanilang alagang aso kagabi dahil wakwak na wakwak ito.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Junmark Paniamogan na ginising na lamang siya ng kanyang asawa dahil sa biglang pagtahimik ng kanilang alagang aso matapos itong magtatahol.

Aniya, nadinig pa ng kanyang asawa na may kumain sa labas kung saan dinig na dinig nito pati ang kinain na buto kung kaya’t inakala nilang baka may kinaing pusa ang kanilang aso.

Laking gulat na lamang nila pagkagising kaninang umaga nang makita na ang aso pala nila ang biktima kungsaan nawala na ang malaking bahagi ng kanyang ulo.

Malaking pala-isipan sa kanila kung anong uri ng nilalang ang gumawa nito sa kanilang alagang aso.