CAUAYAN CITY -Nakita na ang ulo at ilang bahagi ng katawan ng bangkay ng isang binata na unang natagpuan sa Irrigation Canal ng Barangay Batal matapos umanong magparamdam sa kanyang mga kaanak.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nagtungo ang ilang kaanak ng biktima sa lugar kung saan natagpuan ang kanyang mga labi at nagsagawa ng paghahanap sa ulo ng biktima katuwang ang ilang opisyal ng barangay sa naturang lugar.
Ayon kay Ginoong Herman Atienzar, kaanak ng biktima nagparamdam sa kanya at sa ilan pa nilang kaanak ang binata at mistulang pinapahanap ang kanyang ulo.
Nang simulan ang paghahanap, unang nakita ang apat na piraso ng human ribs sa mismong lugar kung saan iniangat ang bangkay ng biktima.
Sa kanilang patuloy na paghahanap ay napansin ng mga ito ang tila nakasakong bagay na nakabara sa concrete pipe sa harapan ng isang gasolinahan nang buksan ang itim na sako ,ay tumambad ang ulo ng biktima.
Sa ngayon patuloy pa rin ang isinasagawang malalimang pagsisisyasat ng Santiago City- SOCO katuwang ang SCPO Station 1 sa pagpaslang ng biktima at para matukoy ang mga pinaghihinalaan na nasa likod ng karumal dumal na krimen.
kasalukuyang nasa pangangalaga ng SOCO Santiago City ang mga narekober na ulo at bahagi ng katawan ng biktima para sa pagpapatuloy ng pagsisisyasat.
Una nang napaulat sa Bombo Radyo Cauayan ang pagkakatagpo sa bangkay ng isang lalaki sa nasabing lugar na nasa state of decomposition noong ikadalawampu ng Hulyo
Sa pamamagitan ng suot na shorts na kulay blue na may markang no. 2, kinilala ang bangkay na si Jireh (Jayre) Atienzar Baniel, 19 anyos, binata, isang vendor at residente ng Purok 4, Mabini, Malvar , Santiago City.
Huling nakitang buhay ang binata bago ang libing ng kanilang lolo, July 10, 2020.