-- Advertisements --

Pinatawan ng isang taon na ban si ultramarathon runer na si Joasia Zakrzewski.

Inakusahan ito ng pagsakay sa isang kotse ng lumahok siya sa 50-mile race mula Manchester patungong Liverpool noong Abril 7.

Nakita siyang sumakay sa kotse ng kaibigan at nagtapos siya sa ikatlong puwesto.

Tinanggap naman nito ang desisyon ng United Kingdom Athletics dahil sa kaniyang pagkakamali.