-- Advertisements --

Masusubok umano ang tibay at wala pang talo na si WBO champion Terrence Crawford sa darating na Linggo laban kay Shawn Porter.

CRAWFORD SHAWN PORTER
Crawford vs Porter

Sinasabing sa 13 taon na professional career ni Crawford ay makakaharap niya ang isang bigating katapat sa 147-pounds lalo na at dating welterweight champion din si Porter.

Kung maalalaa si Porter ang nagpatikim sa tanging talo ng Cuban boxer na si Yordenis Ugas, na tumalo naman kay Manny Pacquiao.

Si Porter ay dating sparring partner ni Pacman.

Ayon sa ilang analyst maituturing na rugged ang istilo ni Porter at talentadong boksingero, pero ibang level din ang abilidad ng 34-anyos na si Crawford na meron nang natipon na 37 wins kung saan 28 rito ay pinatulog ang kalaban.

Samantala ang 34-anyos naman na si Porter ay may record na 31 wins, tatlo na ang talo at 17 ang na-knockout.

Sa ngayon kararating lamang ng magkaribal sa Las Vegas bilang paghahanda sa big day ng showdown na magaganap sa Mandalay Bay sa Linggo.