-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rene Ballenas mula sa New Jersey, United States of America, na umabot na sa 65 milyong botante ang bumoto sa pamamagitan ng early voting para sa 2024 US Presidential Election.

Ayon sa kanya, 41 porsiyento mula sa kabuuang 160 milyong botante sa buong Estados Unidos ang tapos nang bumoto.

Aniya, habang papalapit ang halalan ay lalo ring umiinit ang kampanya nina US Pres. Donald Trump ng Republican Party at US Vice Pres. Kamala Harris sa Democratic Party para mahimok ang mga botante.

Ipinaliwanag niya na mayroong tinatawag na electoral college mula sa New York na may 28, Texas na may 40, California na may 54, Pennsylvania na may 90 at iba pa na may kabuuang 380 electoral college.

Sinabi niya na ang isang kandidato ay dapat makakuha ng hindi bababa sa 270 electoral votes upang manalo sa halalan.

Kaugnay nito, sinabi ni Ballenas na tinututukan ngayon ng mga kandidato ang itinuturing na swing states tulad ng Arizona, Georgia, Michigan, Nevada, North Carolina, Pennsylvania at Wisconsin.

Samantala, nabatid na isa sa pangunahing pangangailangan ng mga botante na tugunan ay ang immigration, abortion at iba pa.