-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakapagtala muli ng panibagong kaso ng Cotonavirus Disease (Covid 19) ang bayan ng Kabacan North Cotabato.

Sa kabuuan mayroong labing anim (16) na kaso na ang bayan habang tatlo (3) rito ang aktibong kaso.

Batay sa datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, ang 36years old na positibo ay may travel history sa General Santos City bilang ito ay isang Authorized Person Outside Residence o APOR. Sa ngayon ay naka isolate na ito at nagpapatuloy ang contact tracing.

Habang ang isa, ang 41 year old naman ay nagpapatuloy parin ang imbestigasyon lalo pa’t di-umano ay nakadalo ito ng isang pagtitipon. Nakaisolate na rin ang positibo habang patuloy na isinasagawa ang contact tracing.

Muli namang hinikayat ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang publiko na huwag pakampante at sumunod sa mga ipinapairal na kautusan patungkol sa paglaban sa naturang pandemya.

Iniatas din nito sa PNP-Kabacan at MEEDO na ipatupad ang striktong pagsuot ng face mask at face shield sa pamilihang bayan batay sa kanyang anunso nitong sabado sa radio program ng LGU-Kabacan.

Paniniguro ng alkalde, kontrolado parin ng lokal na pamahalaan ang sitwasyon ngunit hinikayat nito ang publiko na mas mapagtatagumpayan ang laban sa covid-19 kung nakikiisa at may kooperasyon ang bawat kabakeƱo.