-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakapagtala ng isa pang panibagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang probinsya ng Cotabato.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region at IPHO-Cotabato.

Ayon kay PIATF ICP head BM Philbert Malaluan na ang ika-68 pasyente ay isang 33-anyos na lalaki mula sa lungsod ng Kidapawan.

Mayroon itong travel history sa Maynila at Cavite na agad sumailalim sa swab test paglapag nito sa Davao International Airport (DIA).

Dumating ito sa lalawigan na agad namang ipinasok sa LGU isolation facility.

Tiniyak naman ni BM Malaluan na ang pasyente ay asymptomatic at nasa stable condition.

Sa ngayon ay umakyat na sa 68 ang nagpositibo sa Covid-19 sa probinsya, 50 ang gumaling at 16 cases.