CAUAYAN CITY- Naitala ng Department of Health region 2 ang panibagong 9 na nagpositibo sa COVID 19 sa region 2.
Dahil dito umakyat na sa 87 ang bilang ng nagpsotibo sa COVID 19 sa buong rehiyon
Ang unang kaso ay si CV79 na isang 41 anyos na bumiyahe mula Pasig City na mula sa Amulung, Cagayan.
Siya ay nakauwi ng kanilang bayan noong June 21, 2020 at isinailalim sa quarantine sa pasilidad na itinalaga ng lokal na pamahalaan ng Amulung.
Nakaranas ng pananakit ng tiyan ang pasyente na nagtulak sa lokal na pamahalaan upang ipakonsulta ang pasyente sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ang pasyente ay isinailalim sa swab test at nag-positibo sa COVID 19 .
Ang pangalawang kaso ay si CV 80 na isang 36 anyos na lalaki, isang OFW na nagtatrabaho sa Saudi Arabia na mula Alicia, Isabela.
Si CV80 ay nakauwi ng Pilipinas noong June 22, 2020 na nakauwi ng lalawigan ng Isabela noong June 26, 2020 kung saan isinailalim ang pasyente sa quarantine sa pasilidad na itinalaga ng provincial government ng Isabela sa bayan ng Ramon.
Ang pasyente ay isinailalim sa swab test na positibo ang resulta at nanatiling asymptomatic
Ang pangatlong kaso ay si CV 81 na isang dalawamput pitung aong gulang na lalaki, isang OFW na nagtatrabaho sa Saudi Arabia na mula Cauayan City, Isabela.
Nakauwi ng Pilipinas ang pasyente noong ika-dalawamput tatlo ng Hunyo at nakauwi ng lalawigan ng Isabela noong ika-dalawampu’t anim ng Hunyo kung saan isinailalim ang pasyente sa quarantine sa pasilidad na itinalaga ng Pamahalaang Panglalawigan ng Isabela sa bayan ng Ramon.
Ang pasyente ay isinailalim sa swab test na nagpositibo ang resulta at nanatiling asymptomatic.
Ang pang-apat na kaso ay si CV 82 na isang dalawamput dalawang taong gulang na babae, isang OFW na nagtatrabaho sa United Arab Emirates na mula Aurora, Isabela.
Si CV 82 ay nakauwi ng Pilipinas noong April 24, 2020 kung saan isinailalim ang pasyente sa quarantine para sa mga umuwing OFW sa World Trade Center.
Siya ay nakauwi ng lalawigan ng Isabela noong June 24, 2020 at nai-quarantine sa pasilidad na itinalaga ng provincial government ng Isabela sa bayan ng Aurora.
Ang pasyente ay isinailalim sa swab test na positibo ang kinalabasan bagamat nanatiling asymptomatic .
Si CV83 ang panglimang kaso na isang 25 anyos na lalaki, mula Quezon, Isabela.
Ang pasyente ay naglakbay sa Caloocan City at nakauwi sa kanilang bayan noong June 25, 2020 kung saan isinailalim sa quarantine, at sinusubaybayan ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon.
Siya ay isinailalim sa swab test at nagpositibo ngunit wala pang sintomas ng virus.
Ang pang-anim na kaso ay si CV84 na isang 29 anyos na babae , isang OFW na nagtatrabaho sa Dubai na mula Cauayan City, Isabela.
Ang pasyente ay nakauwi sa Pilipinas noong June 6, 2020 at nakauwi sa Isabela noong June 25, 2020 kung saan isinailalim sa quarantine sa itinalagang pasilidad ng provincial government ng Isabela.
Ang pasyente ay isinailalim sa swab test na nagpositibo ang resulta ngunit nanatiling asymptomatic.
Isang 37 anyos na lalaki ang pangpitung kaso na si CV 85 na isang OFW na umuwi ng Pilipinas mula Jakarta, Indonesia noong June 13, 2020 o at nakauwi sa Isabela noong June 25, 2020.
Isinailalim ang pasyente sa quarantine sa itinalagang pasilidad ng Isabela sa bayan ng Echague at isinailalim sa swab test kung saan nasuring positibo sa COIVD 19 .
Si CV 86 na isang 41 anyos na babae ang pangwalong kaso na mula Ilagan City, Isabela.
Ang pasyente ay naglakbay sa Quezon City at nakauwi sa Isabela noong June 20, 2020 at isinailalim sa quarantine sa pasilidad na na itinalaga ng City Government ng Ilagan.
Siya ay isinailalim sa swab test na positibo ang kinalabasan .
Ang pang siyam na kaso ay si CV 87 na isang 36 anyos na lalaki na mula sa San Mariano, Isabela.
Ang pasyente ay naglakbay sa Taguig City at nakauwi sa kanilang bayan noong June 13, 2020 kung saan isinailalim sa swab test na nagpositibo sa virus ngunit hindi nakakaramdam ng anumang sintomas ng COVID 19.
Nagsasagawa na ng contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasamaluha ng mga nagpositibo sa virus ang DOH region 2 sa pamamagitan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, katuwang ang DILG at PNP kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Isabela, mga Lokal na Pamahalaan at mga Pamahalaang lungsod kung saan residente ang mga nagpositibo sa virus.