Sa gitna ng pinaigting pang mga pag-atake ng Israel sa militanteng Hezbollah sa Lebanon, napaulat na natarget o napatay ang posibleng successor at pinsan ni assassinated Hezbollah leader Hassan Nasrallah na si Hashem Safieddine sa isa sa inilunsad na air strikes ng Israel sa Beirut nitong nakalipas na gabi ng Huwebes.
Subalit wala pa namang opisyal na kumpirmasyon dito ang kampo ng Hezbollah.
Una ng nakaligtas si Hashem sa pag-atake noon ng Israel sa Beirut na ikinasawi ni Nasrallah.
Ang sinasabing successor ni Nasrallah ay ang nangangasiwa sa political affairs ng Hezbollah at isa sa senior leaders ng grupo. May posisyon din ito sa Jihad Council na nangangasiwa sa military operations ng grupo.
Si Hashem din ay idineklarang terorista ng Amerika noong 2017.