ZAMBOANGA CITY – Patay ang bagong silang na sanggol nang matagpuan ng mga residente sa ilog ng Barangay Cabato Road, Zamboanga City dakong alas-6:00 kaninang umaga.
Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, ang naturang bagong panganak na sanggol ay isang lalaki.
Natagpuan ng mga residente ang naturang sanggol sa ilog ng Cabato Road, nitong lungsod na napapalibutan ng mga basura, akala umano nila ang naturang nakalutang na bagong silang na sanggol ay isang manika.
Pero nang suriin ng mga ito, nagtaka umano sila na iba yung kulay at doon natukoy ng mga residente na ang nasabing nakalutang ay isang sanggol.
Agad naman nila itong ipinagbigay alam sa mga otoridad.
Gayunman, dalawang boluntaryong binatilyo ang lumangoy sa mismong ilog upang kunin ang patay nang sanggol.
Pinaniniwalaang bagong silang lamang ito dahil nakakabit pa ang umbilical cord nito sa kanyang pusod.
Base sa initial na imbestigayon ng mga otoridad posibleng tinapon kaagad ang nasabing sanggol sa ilog matapos itong niluwal ng kanyang ina.
Samantala, gumawa naman ng aksyon ang mga otoridad upang ma trace up na ang ina ng sanggol at mananagot naman ito sa batas dahil sa krimeng nagawa nito.